|
||||||||
|
||
Dumalaw kahapon, Lunes, ika-5 ng Nobyembre 2018, sa exhibition hall ng unang China International Import Expo (CIIE) sa Shanghai, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kasama ng mga lider ng Rusya, Biyetnam, Laos, Czech, at ibang bansa.
Bumisita ang mga lider sa mga booth ng Ehitpo, Britanya, Czech, Kenya, El Salvador, Laos, Biyetnam, Rusya, at ibang bansa sa Country Pavilion for Trade and Investment. Pinakinggan nila ang salaysay hinggil sa mga tanghal ng iba't ibang bansa.
Bumisita rin sila sa booth ng Tsina, kung saan itinatanghal ang mga natamong bunga ng bansa sa reporma at pagbubukas sa labas, at mga proyektong kooperasyon sa ilalim ng Belt and Road Initiative.
Ipinahayag ni Xi ang pag-asang, sa pamamagitan ng paglahok sa CIIE, makikita ng iba't ibang bansa ang mga pagkakataong pang-negosyo, palalakasin ang kooperasyon, daragdagan ang pagluluwas ng mga de-kalidad na paninda sa Tsina, at isasakatuparan ang mutuwal na kapakinabangan at win-win result.
Ipinahayag naman ng mga dayuhang lider, na ang pagdaraos ng CIIE ay nagpapakita ng inklusibo at responsableng posisyon ng Tsina bilang malaking bansa. Binigyan din nila ng mataas na pagtasa ang talumpati ni Xi sa seremonya ng pagbubukas ng kasalukuyang ekspo.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |