Beijing, Tsina—Nakipagtagpo Huwebes ng hapon, Nobyembre 1, 2018 si Premyer Li Keqiang ng Tsina kay Achim Steiner, Administrador ng United Nations Development Programme (UNDP).
Tinukoy ni Li na sa kasalukuyan, muling umusbong ang unilateralismo at proteksyonismo sa kalagayang pandaigdig, bagay na nagbunga ng mga di-matatag at di-tiyak na elemento. Bilang pirmihang kasaping bansa ng UN Security Council at pinakamalaking umuunlad na bansa, inaasahan aniya ng Tsina ang pakikipagtulungan sa mga organo ng pag-unlad ng UN na kinabibilangan ng UNDP, para mapangalagaan ang multilateralismo at kaayusang pandaigdig. Bukod dito, binanggit din ni Li na nais din ng Tsina na magkakasamang harapin ang mga hamong pandaigdig; magtulungan ang iba't ibang bansa na pataasin ang kakayahan sa nagsasarili't sustenableng pag-unlad, sa ilalim ng balangkas ng South-South Cooperation; at walang humpay na bigyang-ambag ang usapin ng kapayapaan at kaunlaran ng mundo.
Ipinahayag naman ni Steiner na hinahangaan ng UNDP ang pagkatig ng Tsina sa multilateralismo at papel ng UN. Nakahanda aniya siyang ng palalimin ang kooperasyon sa Tsina sa mga larangang gaya ng inobasyon at sustenableng pag-unlad, pasulungin ang South-South Cooperation, at magbahaginan ng karanasang pangkaunlaran.
Salin: Vera