Bumalik kahapon, Sabado, ika-20 ng Oktubre 2018, sa Beijing, si Premyer Li Keqiang ng Tsina, pagkatapos ng kanyang biyahe sa Tajikistan, Netherlands, at Belgium.
Sa biyaheng ito, dumalo si Li sa Ika-17 Pulong ng Konseho ng mga Puno ng Pamahalaan (Punong Ministro) ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), na idinaos sa Dushanbe, Tajikistan. Pagkatapos, nagsagawa siya ng mga opisyal na pagdalaw sa Tajikistan at Netherlands. Sa huling stop, dumalo rin si Li sa Ika-12 Asia-Europe Meeting (ASEM) Summit sa Belgium, at nagsagawa ng working visit sa bansang ito.
Salin: Liu Kai