Ipinadala ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensaheng pambati sa Ika-5 World Internet Conference, na binuksan ngayong araw, Miyerkules, ika-7 ng Nobyembre 2018, sa Wuzhen, lalawigang Zhejiang, Tsina.
Tinukoy ni Xi, na nagaganap sa kasalukuyang daigdig ang malawak at malalim na reporma sa siyensiya, teknolohiya, at industriya. Sinabi niyang, dapat pabilisin ang pag-unlad ng digital economy, at pasulungin ang pagtatatag ng mas makatarungang global Internet governance system. Ito aniya ay magbibigay ng bagong lakas sa pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.
Binigyang-diin ni Xi, na may komong hangarin ang iba't ibang bansa sa pagpapaunlad ng digital economy, pagharap sa mga hamon sa cyber security, at pagpapasulong ng mas mabuting pangangasiwa sa cyberspace. Umaasa aniya siyang, palalalimin ng iba't ibang bansa ang kooperasyon at palalakasin ang pagtitiwalaan sa mga aspektong ito, para itatag ang mas masiglang community with a shared future in cyberspace.
Samantala, dumalo at nagtalumpati sa seremonya ng pagbubukas ng pulong na ito, si Huang Kunming, Puno ng Departamento ng Publisidad ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina. Sinabi niyang, nagkakaroon ang Tsina ng lubos na pagkabahala sa kabiyayaan ng sangkatauhan sa information age, at taos-pusong kahandaang itatag, kasama ng iba't ibang bansa, ang mas mabuting digital world.
Salin: Liu Kai