Ipinahayag Nobyembre 6, 2018 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa paanyaya ni Punong Ministrong Lee Hsien Loong ng Singapore, dadalaw sa bansa si Premyer Li Keqiang ng Tsina mula ika-12 hanggang ika-16 ng buwang ito, at dadalo rin siya sa 21st China-ASEAN Summit, 21st ASEAN Plus Three Summit at 13th East Asia Summit na bubuksan sa Singapore.
Ani Hua, ang biyaheng ito ay hindi lamang magsusulong sa bilateral na relasyong Sino-Singaporean, kundi may mahalagang katuturan sa ibayong pagpapasulong ng pagtutulungan ng Tsina at ASEAN, at pagtutulungang panrehiyon ng Silangang Asya.