Sa kanyang panayam sa Radyo internasyonal ng Tsina, ipinahayag Nobyembre 6, 2018, ni U Aung Htoo, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Myanmar na ang pagdaraos ng kauna-unahang China International Import Expo (CIIE) ay may historikal na katuturan, at ito ay nagpapakita ng ideya ng kooperasyon at pagbabahagi ng Tsina sa daigdig.
Pinapurihan niya ang talumpati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Aniya, nitong 40 taong nakalipas, ang Tsina ay nagkaroon ng serye ng pag-unlad, at patuloy itong nagsisikap para sa ibayo pang pag-unlad sa hinaharap. Noon, ang pangunahing larangan ng Tsina ay pagluluwas, pero, ngayon, sa pagdaos ng CIIE, ipinapakita ng Tsina ang pagpapahalaga rin nito sa pag-aangkat, at pagkakaroon ng balanseng paglaki ng pag-aangkat at pagluluwas.
salin:Lele