Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina't Amerika, nagdaos ng ika-2 Diyalogong Diplomatiko at Panseguridad

(GMT+08:00) 2018-11-10 16:26:54       CRI

Idinaos ng Tsina't Amerika, nitong Biyernes, Nobyembre 9, Local time, sa Washington D.C. ang ikalawang Diyalogong Diplomatiko at Panseguridad ng dalawang bansa. Pinamunuan ang diyalogo nina Yang Jiechi, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina; Wei Fenghe, Kasangguni ng Estado at Ministro ng Tanggulang-bansa ng Tsina; kasama nina Mike Pompeo, Kalihim ng Estado at James Mattis, Kalihim ng Tanggulang-bansa ng Estados Unidos. Pinag-usapan ng magkabilang panig ang hinggil sa relasyon ng dalawang bansa at mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapuwa nila pinahahalagahan.

Kinilala ng dalawang panig ang katuturan ng pag-uusap ng dalawang pangulo bilang estratehikong patnubay sa pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano. Ipinalalagay nilang ang narating na kasunduan nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Donald Trump ng Amerika sa kanilang pag-uusap sa telepono Nobyembre 1 at ang kanilang gagawing pagtatagpo sa sidelines ng G20 Summit sa Argentina ay may napakahalagang katuturan sa pangangalaga sa matatag na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.

Malalimang nagpalitan din ang dalawang panig hinggil sa sariling estratehiya at patakarang panlabas sa isa't sa. Nagkaisa silang malawak ang espasyo ng pagtutulungan ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan na gaya ng kabuhayan, kalakalan, militar, pagpapatupad sa batas, paglaban sa terorismo, paglaban sa droga, pamahalaang lokal, pagpapalitan ng mga tao. Nakahanda silang pahigpitin ang pagpapalitan at pagtutulungan sa nasabing mga larangan, para magdulot ng totoong benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa.

Nagpalitan din ang magkabilang panig ng paninindigan at kuru-kuro hinggil sa mga isyu ng South China Sea, Taiwan, Korean Peninsula, Afghanistan, Gitnang Silangan, at iba pa.

Pagkatapos ng diyalogo, magkasamang humarap sa mga mamamahayag ang mga opisyal.

Salin: Jade
Pulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>