Ipinahayag ngayong araw, Nobyembre 10 ni Henry Kissinger, dating kalihim ng estado ng Estados Unidos na mas marami ang komong interes sa pagitan ng Tsina't Amerika kaysa sa pagkakaiba. Umaasa aniya siyang patuloy na magsisikap siya para malutas ng dalawang bansa ang mga kasalukuyang problema sa pamamagitan ng pantay na diyalogo at marating ang komong palagay hinggil sa pag-unlad ng bilateral na relasyon sa hinaharap.
Winika ito ni Kissinger nang katagpuin siya ni Pangalawang Pangulong Wang Qishan ng Tsina.
Ipinahayag ni Wang ang pasasalamat ng Tsina sa sinikap ni Kissinger para sa pagkakaibigan ng Tsina't Amerika.
Salin: Jade
Pulido: Mac