Pagkaraan niyang dumalo sa Ika-26 na Di-pormal na Pulong ng mga Lider ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) sa Port Moresby, Papua New Guinea, isasagawa naman ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang dalaw-pang-estado sa Pilipinas, sa paanyaya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang ipinatalastas ngayong araw, Lunes, ika-12 ng Nobyembre 2018, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina.
Ayon kay Lu, ang Pilipinas ang huling istasyon ng kasalukuyang biyahe ni Xi, na magsisimula sa ika-15 at magtatapos sa ika-21 ng buwang ito. Maliban sa pagdalo ni Xi sa Di-pormal na Pulong ng mga Lider ng APEC na idaraos mula ika-17 hanggang ika-18, at magsasagawa rin siya ng dalaw-pang-estado sa Papua New Guinea at Brunei, ayon pa kay Lu.
Salin: Liu Kai