Kinatagpo Nobyembre 12, 2018 sa Beijing ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang delegasyon ng Hong Kong SAR at Macao SAR para gunitain ang ika-40 anibersaryo ng pagsasagawa ng bansa ng reporma at pagbubukas sa labas.
Binigyang-diin ni Pangulong Xi na sa proseso ng isinasagawang reporma at pagbubukas sa labas, gumaganap ang Hong Kong at Macao ng walang katulad na positibong papel sa pamamagitan ng kani-kanilang natatanging kalagayan. Umaasa aniya siyang patuloy na magsisikap ang mga kababayan ng Hong Kong at Macao, kasama ng lahat ng mga mamamayang Tsino para ibayong pasulungin ang kasaganaan at kaunlaran ng Hong Kong at Macao, at maisakatuparan ang dakilang sigla ng nasyong Tsino.
Ipinahayag naman nina Punong Ehekutibo Carrie Lam Cheng Yuet-ngo ng Hong Kong SAR at Punong Ehekutibo Fernando Chui Sai On ng Macao SAR ang pagsuporta sa landas ng reporma at pagbubukas sa labas at patakaran ng "Isang Bansa, Dalawang Sistema."