Idinaos sa Beijing ngayong araw, Nobyembre 14, ang pulong bilang pagdiriwang sa ika-10 anibersaryo ng pagkakatatag ng Asia-Pacific Space Cooperation Organization (APSCO). Sa ilalim ng temang Pagtatatag ng Komunidad na May Pinagbabahaginang Kinabukasan para sa Sangkatauhan sa pamamagitan ng Kooperasyong Pangkalawakan, tinalakay ng mga kalahok ang iba't ibang paksa na gaya ng pagpapasulong ng pagkakaroon ng mga umuunlad na bansa ng malaya at pantay na pagkuha ng mga teknolohiya at datos na pangkalawakan, at pagsusuporta sa pagpapalakas ng kapasidad ng mga umuunlad na bansa sa pamamagitan ng pagtutulungang pangkalawakan at pagsasanay sa mga may kinalamang tauhan. Inilabas ng pulong ang pananaw na pangkaunlaran ng APSCO para sa taong 2030.
Sa kanyang mensaheng pambati sa nasabing okasyon, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang patuloy na suporta ng bansa sa APSCO para mapasulong ang paggagalugad sa kalawakan at kaunlarang pangkabuhayan't panlipunan ng iba't ibang kasaping bansa, batay sa mga prinsipyo ng magkakasamang pagsasanggunian, magkakasamang pagtatatag at magkakasamang pagtatamasa.
Ang APSCO na itinatag noong 2008, ay ikalawang rehiyonal at inter-governmental na organisasyon ng kooperasyong pangkalawakan kasunod ng European Space Agency (ESA).
Salin: Jade
Pulido: Mac