Natapos unang araw ng Hulyo, 2018 sa Tokyo, Hapon ang ika-5 ministerial meeting ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).
Dumalo sa pagtitipon ang mga kinatawan mula sa sampung bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at anim na kadiyalogong bansa nito na kinabibilangan ng Tsina, Australia, India, Hapon, Timog Korea, at New Zealand.
Tinalakay ng mga kalahok ang hinggil sa mga isyung may-kinalaman sa kalakalan, pamumuhunan, pagbalangkas ng regulasyon, at iba pa.
Ayon sa "Magkasanib na Pahayag" na ipinalabas ng pulong, sa harap ng hamong dulot ng unilateralismo sa kalakalan, ang pagpapabilis sa talastasan ng RCEP ay may mahalagang katuturan.
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Wang Shouwen, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, na kinakatigan ng Tsina ang nukleong papel at katayuan ng ASEAN sa talastasan. Samantala, ipagpapatuloy aniya ng Tsina ang konstruktibong papel sa talastasan.