Isiniwalat Hulyo 5, 2018, ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na nagsasanggunian ang iba't ibang panig na may kinalaman sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), at bilang kasapi, aktibong nakikipag-ugnayan ang Tsina para matapos ang talastasan sa lalong madaling panahon.
Ipinahayag ni Gao na patuloy na kumakatig ang Tsina sa pagpapatingkad ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ng nukleong papel sa talastasan ng RCEP, at magsisikap din ang Tsina, kasama ng iba pang panig, para mapasulong ang progreso ng talastasan.
salin:Lele