Huwebes ng hapon, Nobyembre 15, 2018, nagtagpo sa Singapore sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at State Counsellor Aung San Suu Kyi ng Myanmar.
Tinukoy ni Li na lubos na pinahahalagahan ng panig Tsino ang pagpapaunlad ng relasyon sa Myanmar, at kinakatigan ang pagtahak ng Myanmar ng landas ng pag-unlad na angkop sa kalagayan ng sariling bansa. Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng Myanmar, na pahigpitin ang pagtitiwalaang pulitikal, palalakasin ang pragmatikong kooperasyon, at pasulungin ang tuluy-tuloy at matatag na pag-unlad ng komprehensibo, estratehiko at kooperatibong partnership ng dalawang bansa.
Tinukoy pa ni Li na bilang mga umuunlad na bansa, ang pagpapaunlad ng kabuhayan at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan ay tungkuling komong kinaharap ng Tsina at Myanmar. Dagdag niya, nakahanda ang panig Tsino, kasama ng panig ng Myanmar, na palalimin ang sinerhiya ng estratehiyang pangkaunlaran, isagawa ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng human resources at edukasyon, bigyang-tulong ang pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Myanmar, at ihatid ang benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Nagpahayag naman si Aung San Suu Kyi ng pag-asang palalalimin ang pag-uunawaan at pagkatig nila ng Tsina, pahigpitin ang mapagkaibigang kooperasyon, at pasulungin ang komong kaunlaran.
Salin: Vera