Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Embahador Zhao Jianhua ng Tsina: pagbisita ni Pangulong Xi Jinping, milestone sa relasyong Sino-Pilipino

(GMT+08:00) 2018-11-16 15:02:46       CRI

Sa imbitasyon ng kanyang counterpart na si Rodrigo Roa Duterte, magsasagawa si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng dalaw pang-estado sa Pilipinas. Ito ang kauna-unahang dalaw pang-estado ni Xi sa bansa, at kauna-unahang dalaw pang-estado ng lider na Tsino sa Pilipinas sa loob ng 13 taon. Nang kapanayamin ng Chinese media kahapon sa Manila, sinabi ni Zhao Jianhua, Embahador ng Tsina sa Pilipinas na ang gaganaping pagdalaw ni Xi ay isang milestone ng relasyong Sino-Pilipino at tiyak na mapapahigpit at mapapataas ang relasyon ng dalawang bansa.

Sinabi ni Zhao, sa kasalukuyan, unti-unting napapanumbalik ang kooperasyon ng dalawang bansa sa lahat ng aspekto at ang relasyong Sino-Pilipino ay pumapasok sa "Golden Era" at napapanahon ang pagdalaw ni Pangulong Xi.

Napag-alamang, sa pananatili ni Xi sa Pilipinas, matapat at malalimang magpapalitan ng mga palagay ang mga lider ng dalawang bansa at lilikhain ang bagong blueprint ng relasyon ng Tsina at Pilipinas.

Ang Pilipinas ay isang napakaimportanteng bansa sa "Belt and Road Initiative", sa kasalukuyan, naisagawa ng Tsina at Pilipinas ang mabisang kooperasyon sa konstruksyon ng imprastruktura. Sa hinaharap, pagtutuunan kung paanong mapapalakas ang koneksyon ng "Belt and Road Initiative" ng Tsina at ang "Build, Build,Build" ng Pilipinas, ipinahayag ni Zhao na nakahanda ang panig Tsino na makapagbigay ng komprehensibo, malalimang suporta sa iba't ibang panig ng social at economic development ng Pilipinas sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon at sa bandang huli, makinabang ang mga mamamayan.

Sinabi ni Zhao na ang Pilipinas ay isang importanteng hinto sa sinaunang silk road at ang pagbisita ni Pangulong Xi ay ibayo pang magpapahigpit sa kooperasyon ng dalawang bansa, partikular na, ang kooperasyon sa konstruksyon ng imprastruktura.

Si Zhao Jianhua, Embahador ng Tsina sa Pilipinas

Sapul nang manungkulan si Pangulong Duterte, patuloy na bumubuti ang relasyon ng dalawang bansa at mabungang-mabunga ang pagpapalagayang pulitikal, kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan at pagpapalitang kultural.

Ang Tsina ngayon ay pinakamalaking trade partner, pinakamalaking pinagmumulan ng imports at ika-4 na pinakamalaking destination ng exports ng Pilipinas. Noong 2007, sa kauna-unahang beses, lumampas sa 50 bilyong USD ang kabuuang halaga ng kalakalang bilateral ng dalawang bansa. Samanatala, ang Tsina ay ika-2 pinakamalaking source ng mga turista at tinatayang lalampas sa 1.5 milyon ang bilang ng mga turistang Tsino na naglakbay sa Pilipinas at nagdala ng Php 32 bilyong kita sa Pilipinas. Mahigit 40 kompanya ang lumahok sa katatapos na China International Import Expo (CIIE), at inuwi sa bansa ang US$124 milyong halaga ng transaksyon.

Nagiging aktibo din ang pagpapalitan ng dalawang bansa sa pulitika, pamahalaang local, siyensiya't teknolohiya, edukasyon, at kultura. Sa magkakaibang okasyon, nagtagpo na sina Pangulong Xi at Duterte ng limang beses, humihigpit naman ang pagpapalagayan ng mga partido, kongreso at departamentong diplomatiko.

Ang mga kabataaan ay pag-asa ng pagkakaibigan ng Tsina at Pilipinas, ang "Chinese Ambassador Scholarship"ay nakapag-bigay ng malaking tulong sa mga mahihirap na estudyanteng Pilipino. Sinabi ni Zhao na ang relqsyon ng dalawang bansa ay nakabase sa pagiging malapit ng mga mamamayan, kung nais na ibayo pang pasulungin ang pag-uunawaan ng magkabilang panig ito'y nakasalalay sa mga kabataan.

Sa magkasamang pagsisikap ng Tsina, Pilipinas at iba pang bansa sa rehiyong ito, bumubuti ang situwasyon sa South China Sea. Umaasa si Ambassador Zhao na tumpak na hahawakan ng dalawang bansa ang pagkakaiba, at mapapanatili ang mahigpit na pagpapalitan sa pragmatikong kooperasyong pandagat.

Sinabi ni Zhao na naitatag ng Tsina at Pilipinas ang bilateral na mekanismo ng pagsasangguian sa South China Sea, ito ang kauna-unahang ganitong mekanismo sa pagitan ng Tsina at ibang bansang may hidwaang pangteritoryo. Pagkaraan nito, naging mainam ang kooperasyon ng Tsina at Pilipinas sa isyu ng South China Sea sa balangkas ng ASEAN. Mula sa taong ito, ang Pilipinas ay naging coordinating country ng relasyong Sino-ASEAN, ibig sabihin, magpapatingkad ng mas malaking papel ang Pilipinas sa pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan ng South China Sea at pagpapasulong ng kooperasyong pandagat. Partikular na, tinalakay ng Tsina ang Code of Conduct sa sampung bansang ASEAN, at sa gayo'y napapanatili ang magandang kooperasyon ng Tsina at Pilipinas sa aspektong ito.

Ulat: Sissi Wang

Pulido: Mac Ramos

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>