Sa Ika-26 na Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) CEO Summit na idinaos ngayong araw, Sabado, ika-17 ng Nobyembre 2018, sa Port Moresby, kabisera ng Papua New Guinea, bumigkas ng keynote speech si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Sinabi ni Xi, na sa harap ng kasalukuyang mga banta at hamon sa kabuhayang pandaigdig na dulot ng proteksyonismo at unilateralismo, nanawagan siya sa iba't ibang kasapi ng APEC na igiit ang pagbubukas sa labas at pagtutulungan. Ito aniya ay tamang landas tungo sa mas magandang pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig at mas mabuting pangangasiwa ng mundo.
Binigyang-diin ni Xi ang pagsuporta ng Tsina sa pagbubukas at pagtutulungan, sa pamamagitan ng mga patakaran at hakbanging gaya ng pagharap sa Belt and Road Initiative, pagpapalalim ng reporma, pagpapalawak ng pagbubukas sa labas, at iba pa. Ipinahayag din niya ang kahandaan ng Tsina, kasama ng iba't ibang kasapi ng APEC, na magbigay ng bagong ambag para sa komong kaunlaran at kasaganaan ng Asya-Pasipiko at buong daigdig.
Salin: Liu Kai