Port Moresby—Nakipagtagpo Nobyembre 16, 2018, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga lider ng mga bansa sa Pasipikong may relasyong diplomatiko sa Tsina. Nagpalitan sila ng mga palagay hinggil sa pagpapalalim ng relasyon, at buong pagkakaisa nilang ipinalalagay na dapat itatag ang komprehensibong estratehikong partnership sa Tsina na may paggagalangan sa isa't isa at komong pag-unlad, at nang sa gayo'y, lumikha ng bagong kalagayan ng kooperasyon sa iba't ibang larangan.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Xi na, igigiit ng Tsina ang pagkakapantay-pantay ng mga bansa malaki man o maliit. Lagi aniyang iginagalang ng Tsina ang karapatan ng mga mamamayan sa sariling pagpili ng paraan ng pag-unlad ng bansa. Binigyan-diin ni Xi na sa kahit anumang panahon, ang Tsina ay kapanalig ng mga umuunlad na bansa. Ani Xi, nakahanda ang Tsina para sa magkakasamang pagsisikap upang pahigpitin ang pagkakaibigan, pasulungin ang kooperasyon, at likhain ang mas magandang hinaharap.
Pinasalamatan ng mga lider ng mga bansa ng Pasipiko ang muling pagtataguyod ni Xi ng pagtatagpo ng mga lider ng Tsina at mga bansa ng Pasipiko. Pinahahalagahan anila nila ang mahigpit na relasyon sa Tsina, at iginigiit nila ang patakarang "Isang Tsina." Pinasalamatan din nila ang laging walang anumang pasubaling pagkatig pulitikal ng Tsina. Anila pa, nakahanda ang mga bansa ng Pasipiko na aktibong lumahok sa Belt and Road Initiative, pahigpitin ang kooperasyon sa Tsina sa kalakalan, pamumuhunan, pangingisda, turismo, imprastruktura at iba pa.
salin: Lele