Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Relasyon ng Pilipinas at Tsina, patitibayin ng pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping--pangkalahatang tagapamahala ng PBS

(GMT+08:00) 2018-11-17 12:40:15       CRI

Ang napipintong pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Pilipinas ay lalo pang magpapatibay sa relasyon ng dalawang bansa. Ito ang ipinahayag ni Rizal Giovani "Bong" Aportadera, Pangkalahatang Tagapamahala ng Philippine Boadcasting Service (PBS) sa kanyang panayam kamakailan sa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina.

Bilang isang Pilipino, sinabi ni Aportadera na siya'y masayang-masayang makita ang patuloy na gumagandang relasyon ng Pilipinas at Tsina.

Ito'y dapat naisagawa na noong una pa man, dagdag niya.

Aniya, tulad ng sabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang Tsina ay kapatid ng Pilipinas, at ang kapuwa bansa ay nasa parehong rehiyon.

Sino pa aniya ang magtutulungan sa oras ng pangangailangan, kung hindi ang magkakapit-bansa.

Sa aspeto ng komunikasyon, sinabi ni Aportadera na tunay na malaki ang pasasalamat ng Pilipinas sa tulong na ibinibigay ng Tsina, partikular mula sa Radyo Internasyonal ng Tsina (CRI) at China Central Television (CCTV).

Dahil aniya sa tulong panteknolohiya ng Tsina, naging mas malakas at mas malawak ang saklaw ng pagsasahimpapawid ng PBS.

Bukod pa rito, binigyang-diin niyang ang kooperasyon ng PBS, CRI at CCTV sa pagpapalitan ng kakayahan ay nagdulot ng napakahalagang resulta.

Ang lahat ng ito ay may malaking kontribusyon para sa mas klaro at malalim na pagkakaunawa ng mga Pilipino sa tunay na relasyon ng Pilipinas at Tsina sa pamamagitan ng responsableng pagsasahimpapawid ng mga balita at programa.

Ang mga kooperasyong pang-media ng Pilipinas at Tsina ay kailangang maparami at mapasulong pa dahil ang mga ito ay may malawak at positibong bunga sa isip ng mga Pilipino lalo na, hinggil sa mga pangyayaring panlipunan, relasyong ng Pilipinas at Tsina, at mundo, diin ni Aportadera.

Tungkol naman sa kooperasyon ng PBS at CRI, gusto niya itong magpatuloy pa sa loob ng 100 taon.

Dahil sa ehemplo ng CRI, nalaman aniya ng PBS ang direksyon na dapat nitong tahakin sa hinaharap bilang isang plataporma ng pamamahayag.

Dagdag pa niya, mahalaga ring magkaroon pa ng mas maraming magkasamang pagsasahimpapawid ang PBS at CRI tulad ng Wow China, dahil ito ay nagpapakalat ng kultural at positibong impormasyon sa isip ng mga Pilipino.

Bukod dito, iminungkahi rin niya ang pagkakaroon ng mga summit pangmamamahayag ang Pilipinas at Tsina sa hinaharap.

Ito ay upang mas mapatibay at mapalalim pa ang pag-uunawaan at pagpapalagayan ng mga personalidad at propesyunal sa media ng dalawang panig.

Nais aniyang matuto ng PBS sa CRI, upang balang araw ito ay maging isa ring internasyonal na plataporma ng pagsasahimpapawid.

Binanggit din niyang panahon na upang muling magtiwala ang mga Pilipino sa media ng gobyerno dahil ito ngayon ay isa nang propesyunal at responsableng organisasyon na pinagmumulan ng totoo at walang bahid-pulitikang impormasyon.

Hindi na tungkol sa propaganda ang media ng gobyerno, aniya.

Inilarawan din niya ang kinabukasan ng bilateral na relasyon ng Pilipinas at Tsina, bilang "may malaking pag-asa."

Sinariwa rin ni Aportadera ang kanyang mga karanasan sa pagpunta sa Tsina, at aniya, napakasarap ng ibat-ibang pagkain ng Tsina at ang ibat-ibang lalawigan ay may sari-sariling karakteristiko.

At kung siya naman ang magpapakilala ng pagkaing Pinoy sa mga kaibigang Tsino, sinabi iyang ang lechon ang kanyang ipo-promote.

Ulat: Rhio
Panayam/Larawan: Ernest at Sissi
Web-edit: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>