Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagbisita ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Pilipinas, higanteng pag-unlad sa relasyong Pilipino-Sino: Embahador Pilipino sa Tsina

(GMT+08:00) 2018-11-17 19:02:09       CRI

"Isang malaking pag-unlad sa relasyong Pilipino-Sino ang pagbisita ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Pilipinas." Ito ang ipinahayag ni Jose Santiago Sta. Romana, Embahador ng Pilipinas sa Tsina, sa kanyang panayam sa CRI Filipino Service, sa bisperas ng gagawing pagdalaw sa bansa ng pangulong Tsino.

Ito aniya ang unang pormal na pagbisita ng pinakamataas na lider ng Tsina sa Pilipinas nitong nakalipas na 13 taon, at ito ay testamento sa patuloy pang lumalalim na pagkakaibigan at pagkokooperasyon ng dalawang bansa.

Ito rin, ani Sta. Romana ay isang oportunidad para kay Pangulong Rodrigo Duterte na suklian ang ospitalidad, kagandahang-loob at pagtanggap na ipinagkaloob sa kanya ni Pangulong Xi Jinping noong siya ay pormal na dumalaw sa Tsina.

Itatala rin aniya ng nasabing pagbisita, ang panghinaharap na direksyon ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa.

Matatandaang ibinalik sa tamang landas at tumpak na direksyon ng makasaysayang pagbisita ni Pangulong Duterte sa Tsina noong 2016 ang relasyong Sino-Pilipino, mula sa masalimuot na situwasyon, patungo sa maliwanag at mapagkaibigang partnership.

Ani Sta. Romana, kabilang sa mga benepisyong natamo ng biyaheng nabanggit ay ang muling pagpapahintulot ng pagpasok sa Tsina ng mga prutas ng Pilipinas na tulad saging; pagdami ng mga turistang Tsinong namamasyal sa Pilipinas; pagtaas ng bilateral trade; pagtaas ng paglalagak ng puhunang Tsino sa Pilipinas; pagdami ng pagpapalitan sa edukasyon; pagkakaroon ng Bilateral na Konsultatibong Mekanismo para pag-usapan ang isyu ng South China Sea; at marami pang iba.

Sa kabilang banda, ang biyahe ngayong taon ni Pangulong Xi Jinping sa Pilipinas ay isang positibong senyal sa pagpapatuloy ng mga pag-unlad na natamo noong 2016, ani Sta. Romana.

Dagdag pa ng embahador, ang nasabing pagdalaw ay magbubukas ng bagong kabanata sa bilaterlal na relasyong Sino-Pilipino, na may karakteristiko ng patuloy na pagpapalalim ng partnership, at mas mataas na lebel ng kooperasyon.

Ang batayan ng relasyong ito ay ang konsensus na narating ng dalawang panig na pag-usapan ang mga pagkakaiba at epektibong hawakan ang mga ito upang maiwasan ang paglala ng situwasyon, aniya.

Kasabay nito, patuloy aniyang pabubutihin ng dalawang bansa ang pagtutulungan sa mga larangan kung saan walang alitan, tulad ng agrikultura, agham, teknolohiya, edukasyon, imprastruktura, konektibidad at marami pang iba.

Lahat ng ito ani Sta. Romana ay mga larangan kung saan lalong pabubutihin nina Pangulong Duterte at Xi ang kooperasyon.

Sinabi ng embahador na inaasahang magkakaroon ng matapat pero mapagkaibigang atmospera ang pag-uusap ng dalawang lider, at posibleng kasama sa kanilang tatalakayin ay mga isyung gaya ng pagpuksa sa ilegal na droga sa dagat, paglaban sa terorismo, South China Sea, rekonstruksyon ng Marawi, at marami pang iba.

Ulat: Rhio
Panayam/Larawan: Ernest/Sissi
Web-edit: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>