Sa Ika-26 na Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) CEO Summit nitong Sabado, Nobyembre 17, 2018 sa Port Moresby, kabisera ng Papua New Guinea, bumigkas ng keynote speech si Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Nang kapanayamin ng mamamahayag, ipinahayag ng maraming personahe ng iba't ibang sirkulo na masiglang masigla ang nasabing talumpati ni Xi, at dapat magbuklod ang iba't ibang ekonomiya sa daigdig, para magkasamang harapin ang hamon, at hanapin ang kaunlaran at kooperasyon.
Sinabi ni David Morris, Trade Commissioner ng Pacific Islands Forum sa Tsina, na ang pagbubukas at kooperasyon ay siyang tanging landas para maisakatuparan ang inklusibo't sustenableng pag-unlad. Aniya, magpakailanman ay mas maganda kaysa komprontasyon ang pagtatatag ng partnership.
Kinakatigan naman ni Suphan Mongkolsuthee, Tagapangulo ng Federation of Thai Industries, ang pagpapatnubay ng pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig tungo sa mas inklusibong direksyon na iniharap ni Pangulong Xi. Aniya, masiglang masigla ang keynote speech ng pangulong Tsino, at sa pamamagitan ng paglahad ng tagumpay ng mga hakbangin ng Tsina, lipos ng kompiyansa ang daigdig sa paninindigan ng Tsina sa patuloy na paggigiit sa sistema ng multilateral na kalakalan at pagbubukas ng kapaligirang pangkalakalan.
Salin: Vera