|
||||||||
|
||
Port Moresby, Papua New Guinea—Idinaos Linggo ng umaga, Nobyembre 18, local time, 2018 ang Ika-26 na di-pormal na pulong ng mga lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC). Dumalo sa pulong si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Sa kanyang talumpati sa pulong, tinukoy ni Xi na dapat sundin ng iba't ibang ekonomiya ng rehiyong Asya-Pasipiko ang tunguhin ng pag-unlad ng globalisasyon, patuloy na igiit ang simulain ng pagpapasulong sa integrasyon ng kabuhayang panrehiyon, samantalahin ang pagkakataon ng pagtatatag ng bukas na kabuhayang pandaigdig, at walang humpay na panatilihin ang tunguhin ng kooperasyong Asya-Pasipiko.
Iniharap din ng Pangulong Tsino ang apat na paninindigan: igiit ang pagpapasulong sa integrasyon ng kabuhayang panrehiyon, at itatag ang bukas na kabuhayan ng Asya-Pasipiko; igiit ang innovation-driven development, at paramihin ang bagong lakas-panulak ng paglago; igiit ang pagkokomplemento ng connectivity network, at pasulungin ang inklusibong pag-unlad; igiit ang pagpapalalim ng partnership, at magkakapit-bisig na harapin ang mga komong hamon.
Inilahad ni Xi ang mga hakbangin ng Tsina, at kung paanong mapapalalim ang pakikipagtulungan sa iba't ibang panig ng Asya-Pasipiko. Aniya, buong tatag at komprehensibong palalalimin ng Tsina ang reporma, pabibilisin ang pagkokompleto ng sistema ng socialist market economy, at itatatag ang modernong sistemang pangkabuhayan. Bukod dito, paluluwagin ng Tsina ang market access, pag-iibayuhin ang pangangalaga sa karapatan sa pagmamay-ari sa likhang-isip (IPR), at lilikhain ang mas kaakit-akit na kapaligiran para sa pamumuhunan at pagpapatakbo ng negosyo.
Ang tema ng kasalukuyang pulong ay "Harnessing Inclusive Opportunities, Embracing the Digital Future."
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |