Sa Myitkyina, Kachin State, Myanmar—Nag-abuloy Nobyembre, 20, 2018, ang Embahada ng Tsina sa Myanmar ng pang-araw-araw na pangangailangan gaya ng bigas, mantika, medisina at kumot, upang magbigay ng aktuwal na tulong para maisakatuparan ang kapayapaan ng dakong hilaga ng Myanmar.
Ipinahayag ni Hong Liang, Embahador ng Tsina sa Myanmar na isinasagawa ng Tsina at Myanmar ang kooperasyon sa ilalim ng Belt and Road Initiative (BRI), at ang Belt and Road ay landas ng kapayapaan, kaya, ang pagsasakatuparan ng kapayapaan at katatagan sa dakong hilaga ng Myanmar ay angkop sa katuturan ng BRI.
Salin:Lele