Nagbigay Sabado, Oktubre 27, 2018, ng 1,000 portable dwelling na tirahan ang Tsina sa Myanmar para sa mga mamamayan ng Rakhine State na walang bahay.
Ipinahayag ni Hong Liang, Embahador ng Tsina sa Myanmar na umaasa siyang ang mga naturang pansamantalang tahanan ay makakatulong sa pagsisikap ng pamahalaan ng Myanmar para mabigyan ng matitirahan ang mga mamamayan ng Rakhine State.
Maaalalang noong Enero ng 2018, ipinagkaloob ng Tsina, sa Myanmar ang unang batch ng mga katulad na tirahan, at ito ang ika-2 batch. Hinggil dito, ipinahayag ni Kyaw Tint Swe, Ministro ng Office of the State Counsellor ng Myanmar ang pasasalamat sa tulong ng Tsina.
salin:Lele