Huwebes ng hapon, Nobyembre 22, 2018, nagtagpo sa Beijing sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Bakytzhan Sagintayev ng Kazakhstan. Ito ang ika-4 na regular na pagtatagpo ng mga punong ministro ng dalawang bansa.
Ipinahayag ni Li na nakahanda ang panig Tsino na pabutihin ang sinerhiya ng Belt and Road Initiative at estratehiyang pangkaunlaran ng Kazakhstan, at ipatupad ang hangarin ng pagtitiwalaan at kooperasyon ng dalawang bansa sa mataas na antas, para walang humpay na makapaghatid ng benepisyo sa kanilang mga mamamayan.
Nagpahayag naman si Sagintayev ng kahandaang palalimin ang kooperasyon sa Tsina sa mga larangang gaya ng kalakalan, pamumuhunan, production capacity, agrikultura, enerhiya at iba pa, palakasin ang pagpapalitan sa pagsasanay ng mga talento at karanasan, at pasulungin ang relasyon ng dalawang bansa sa bagong antas.
Pagkatapos ng pagtatagpo, magkasamang sumaksi ang dalawang lider sa paglagda ng mga kaukulang dokumento ng bilateral na kooperasyon.
Salin: Vera