|
||||||||
|
||
Pormal nang naitatag ang pambansang magkasanib na laboratoryo ng Tsina at Myanmar hinggil sa radar at satellite communication.
Ito ang ipinatalastas nitong Biyernes, ika-23 ng Nobyembre 2018, ng Ministri ng Siyensiya at Teknolohiya ng Tsina at Ministri ng Edukasyon ng Myanmar, sa unang pulong ng magkasanib na lupon sa kooperasyong pansiyensiya at panteknolohiya ng dalawang bansa, na idinaos sa Yangon.
Ayon sa dalawang ministri, tumagal nang 3 taon ang pagtatatag ng naturang laboratoryo, at sa panahong iyon, nagbigay rin ang panig Tsino ng pagsasanay sa mga teknisyan ng panig ng Myanmar sa mga may kinalamang aspekto.
Sa pamamagitan ng laboratoryo, mapapalakas ang kakayahan ng panig ng Myanmar, sa pananaliksik sa mga aspekto ng meteorological observation, disaster prevention, agricultural ecological conservation, aerospace, at iba pa.
Ayon pa rin sa panig Tsino, dahil sa pinalalakas na kooperasyong pansiyensiya at panteknolohiya ng dalawang bansa, sinanay na sa Tsina ang 69 na siyentista at mahigit 200 teknisyan ng Myanmar.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |