Idinaos kahapon, Sabado, ika-24 ng Nobyembre 2018, sa lalawigang Savannakhet sa katimugan ng Laos, ang seremonya ng pagsisimula ng proyekto ng pagpapabuti ng isang pangunahing lansangan sa lokalidad. Ang proyektong ito ay isasagawa ng China North Industries Corporation International Cooperation Ltd., isang kompanyang Tsino.
Sa seremonya, sinabi ni Bounchanh Sinthavong, Minister of Public Works and Transport ng Laos, na ito ay mahalagang proyekto ng konstruksyon ng imprastruktura ng kanyang bansa. Aniya, hindi lamang ito magbibigay-ginhawa sa paglalakbay ng mga mamamayan sa katimugan ng Laos, kundi makakatulong din sa pag-unlad ng tursimo at komersyo.
88.2 kilometro ang kabuuang haba ng naturang lansangan. Bukod dito, itatayo rin ang 19 na tulay, drainage channel, at isang sentro ng pagsasanay ng teknolohiyang pang-agrikultura. Tinatayang matatapos ang poryekto sa ika-30 ng Setyembre 2020.
Salin: Liu Kai