Ipinahayag Martes, Nobyembre 27, 2018, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hinahangaan ng panig Tsino ang sinabi ni Kalihim ng Pinansyo Carlos Dominguez III ng Pilipinas na "walang anumang banta sa Pilipinas ang dulot ng pautang mula sa Tsina." Ipinagdiinan ni Geng na labis na limitado ang proporsyon ng pautang ng Tsina sa utang na panlabas ng Pilipinas. Aniya, alinsunod sa pangangailangan ng panig Pilipino, nagbibigay-tulong ang panig Tsino sa Pilipinas sa mga proyekto ng imprastruktura. Ito ay angkop sa pangangailangan ng Pilipinas sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, aniya pa.
Dagdag pa ni Geng, nitong ilang taong nakalipas, walang humpay na umuunlad ang relasyong Sino-Pilipino, bagay na nakakapaghatid ng benepisyo sa kanilang mga mamamayan. Sa katatapos na dalaw-pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Pilipinas, nilagdaan ng dalawang panig ang 29 na kasunduang pangkooperasyong may kinalaman sa mga larangang gaya ng imprastruktura, enerhiya, at agrikultura. Ayon sa narating na pagkakasundo ng mga lider ng dalawang bansa, patuloy na palalalimin ng dalawang panig ang kanilang pragmatikong kooperasyon sa iba't-ibang larangan upang maisakatuparan ang komong kaunlaran at makapaghatid ng benepisyo sa dalawang bansa at kanilang mga mamamayan.
Salin: Li Feng