|
||||||||
|
||
NAKATANGGAP ang Pilipinas ng mga pangakong tulong mula sa iba't ibang tanggapan at pamahalaan na nagkakahalaga ng higit sa P 35 bilyon.
Ito ang sinabi ni Finance Secretary Carlos G. Dominguez III sa pledging session na idinaos sa Davao City kanina.
Pinasalamatan niya sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayan ng Pilipinas ang Asian Development Bank, World Bank at International Fund for Agricultural Development. Kabilang din sa kanyang mga binanggit ang mga pamahalaan ng Tsina na kauna-unahang pamahalaang nag-alok ng tulong sa pagsiklab ng kaguluhan sa Marawi City, ang pamahalaan ng Japan sa pagpapatuloy na pagtiyak ng pangakong aalalay sa pagbabangon ng napinsalang lungsod at ang pamahalaan ng Espana na nangako ng dagdag na pondo sa idinaos na pledging session kanina.
Sa P 35.1 bilyon, ang P 32.7 bilyon ay sa pamamagitan ng concessional financing samantalang mayroong P 2.4 bilyon na tinaguriang grants.
Nagpasalamat din si G. Dominguez sa United Nations at sa mga pamahalaan ng Estados Unidos, Australia, China, Germany, Japan, Korea at Spain sa reconstruction efforts sa pamamagitan ng technical assistance at mga pangangailangang bago magsimula ang reconstruction.
Ang United Nations at mga ahensya nito kabilang na ang Australia, Italy, Japan, Korea at United States of America kabilang na ang mga na sa pribadong sektor ay pinasalamatan din sa pagbibigay ng sapat na tulong sa pamamagitan ng relief goods at humanitarian grant assistance na nagkakahalaga ng P 6.9 bilyon o US$ 132.4 milyon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |