Ipinahayag Nobyembre 28, 2018, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na umaasa ang Tsina na ang gaganaping G20 Summit ay magpapakita ng kakayahan ng pamumuno ng G20 bilang pangunahing pandaigdigang porum ng kabuhayan, at magdaragdag ng bagong sigla sa kabuhayan ng daigdig. Nakahanda aniyang magsikap, ang Tsina kasama ng iba pang panig, para mapasulong ang matagumpay na pagdaos ng G20 Summit at maayos na marating ang mga komong palagay.
Ipinahayag ni Geng na nitong 10 taong nakalipas sapul nang itatag ang mekanismo ng G20 Summit, malaki ang progreso nito. Sa kasalukuyan, ang G20 ay nagiging pangunahing plataporma ng pandaigdigang kooperasyong pangkabuhayan, at gumaganap ng mahalagang papel sa pandaigdigang pamamahala sa kabuhayan, dagdag ni Geng.
salin:Lele