Bubuksan sa Biyernes, Nobyembre 30, local time, sa Buenos Aires, Argentina, ang Ika-13 G20 Summit. Sa ilalim ng temang "Building Consensus for Fair and Sustainable Develompent," at 6 na paksang kabuhayang pandaigdig, kalakalan at pamumuhunan, ditigal economy, sustenableng pag-unlad, imprastruktura, at pagbabago ng klima, inaasahang ilalabas sa summit ang maliwanag na signal hinggil sa pangangalaga sa multilateralismo, pagkatig sa malayang kalakalan, at magkakasamang pagtatatag ng bukas na kabuhayang pandaigdig.
Kamakailan, pinababa ng International Monetary Fund (IMF) ang ekspektasyon sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig sa taong ito at susunod na taon. Para mapigilan ang tunguhin ng pagbulusok ng kabuhayang pandaigdig, ipinahayag ni Managing Director Christine Lagarde ng IMF ang pag-asang sa kasalukuyang G20 Summit, muling itataguyod ng mga kalahok na lider ang diwa ng pagtutulungan, para iwasan ang paglalagay ng mga trade barrier at itigil ang pagdaragdag ng taripa. Ito aniya ay magiging mahalagang pagkakataon para sa pagpapabuti ng pandaigdig na sistema ng kalakalan.
Sa G20 Hamburg Summit noong isang taon, ipinahayag naman ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang diwa ng pagkakatuwang ay pinakamalaking kayamanan ng mga kasapi ng G20.
Sa kasalukuyang masusing panahon para sa kabuhayang pandaigdig, kapag itaguyod ang diwang ito at palakasin ang koordinasyon at kooperasyon, saka lamang isasakatuparan ang pag-unlad at win-win result.
Salin: Liu Kai