|
||||||||
|
||
Sa kasalukuyan, mabunga ang pakikipagkooperasyon ng Tsina sa naturang 4 na bansa sa loob ng balangkas ng Belt and Road Initiative (BRI). Halimbawa, mabilis na lumalaki ang pagluluwas ng Espanya sa Tsina, sapul nang patakbuin ang bagong freight train line sa pagitan ng Tsina at Europa. Mahigit kalahati ng iniluwas na mga karne ng baka ng Argentina ay pumunta sa Tsina. Nilagdaan ng Tsina at Panama ang memorandum hinggil sa kooperasyon sa ilalim ng BRI. Malaki naman ang pagtaas ng halaga ng pamumuhunan ng Tsina sa Portugal.
Sa pamamagitan ng gagawing pagdalaw ni Pangulong Xi, inaasahang ibayo pang pasusulungin ang kooperasyon ng Tsina at naturang mga bansa na may win-win result, at matatamo ang mas malaking bunga sa mga kooperasyon sa loob ng balangkas ng BRI.
Sa pananatili sa Argentina, dadalo si Pangulong Xi sa G20 Summit. Sa mga nagdaang G20 Summit, laging ipinakita ng Tsina ang matatag at positibong posisyon sa pagharap sa mga kahirapan sa kalagayang pandaigdig. Sa kasalukuyang summit naman, sa harap ng mga elementong kawalang-katatagan sa kabuhayang pandaigdig, muling ibabahagi ni Pangulong Xi ang paninindigan ng Tsina hinggil sa paggigiit sa diwa ng pagkakatuwang, pagpapalakas ng kooperasyon, at pagpapasulong sa bukas, inklusibo, at malusog na pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.
Sa sideline ng G20 Summit, posibleng isasagawa nina Pangulong Xi at Pangulong Donald Trump ng Amerika ang kanilang unang pagtatagpo, sapul nang lumitaw ang sigalot sa kalakalan ng dalawang bansa. Bilang dalawang pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, ang pagtatagpong ito ay mahalaga hindi lamang sa bilateral na relasyong Sino-Amerikano, kundi rin sa pangkalahatang kalagayan ng daigdig.
Tulad ng katatapos na pagdalaw ni Pangulong Xi sa Papua New Guinea, Brunei at Pilipinas, masagana ang nilalaman at malaki rin ang katuturan ng bagong biyaheng ito. Muli nitong ipapakita ang matatag na determinasyon at walang humpay na pagsisikap ng Tsina para sa pagpapasulong ng pagbubukas, pagtutulungan, at komong pag-unlad ng daigdig.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |