Bubuksan sa Buenos Aires, Argentina ang 2018 G20 Summit.
Hinggil dito, ipinalabas kamakailan ni Liu Xiaoming, Embahador ng Tsina sa Magasing First ng Britanya ang artikulong pinamagatang "Paggiit sa Multilateralismo."
Anang artikulo, sa ika-10 anibersaryo ng pagkakatatag ng mekanismong pangkooperasyon ng G20, inaasahang gaganap ito ng positibong papel sa larangan ng pangangalaga sa multilateralismo para maisakatuparan ang win-win cooperation; pagpapahigpit sa pangangasiwa ng kabuhayan at pananalapi para maisakatuparan ang sustenableng pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig; at paglutas sa isyung pangkaunlaran ng mundo para magbigay ng mas maraming suporta sa mga umuunlad na bansa.