Buenos Aires, Argentina — Sa kanyang pakikipag-usap Sabado, Disyembre 1 (local time), 2018, kay Chancellor Angela Merkel ng Alemanya, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na napapanatili ng relasyong Sino-Aleman ang tunguhin ng mainam na pag-unlad. Aniya, nakahanda ang panig Tsino na ipagpapatuloy ang mahigpit na pakikipagkooperasyon sa panig Aleman para magkasamang makapagbigay ng ambag sa pangangalaga sa multilateralismo at bukas na kabuhayang pandaigdig, at pagpapasulong ng kapayapaan at katatagang pandaigdig.
Ipinahayag naman ni Merkel na mainam ang pag-unlad ng relasyong Aleman-Sino, at maalwang isinusulong ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa sa iba't-ibang larangan. Hinahangaan aniya ng kanyang bansa ang ginagawang pagsisikap ng panig Tsino para sa multilateral na kooperasyon.
Salin: Li Feng