Nag-usap kahapon, Linggo, ika-2 ng Disyembre 2018, sa Buenos Aires, Argentina, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Mauricio Macri ng Argentina.
Sinang-ayunan ng dalawang lider, na gawin ang blueprint para sa pag-unlad ng bilateral na relasyon batay sa mas malawak na pananaw, at magkasamang lumikha ng bagong panahon ng komprehensibo at estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Ipinahayag din Xi ang pag-asang buong husay na ipapatupad ng Tsina at Argentina ang plan of action na itinakda ng mga pamahalaan ng dalawang bansa para sa susunod na limang taon, at palalakasin ang pag-uugnayan at pagtutulungan sa loob ng balangkas ng Belt and Road Initiative (BRI). Dagdag niya, ang Tsina at Argentina ay kapwa umuunlad na bansa at bagong-sibol na ekonomiya, at dapat magkasamang katigan ng dalawang bansa ang multilateralismo at bukas at inklusibong kabuhayang pandaigdig.
Binigyan naman ni Macri ng mataas na pagtasa ang pagtitiwalaan, pagtutulungan, at pagpapalagayan ng Argentina at Tsina. Nakahanda aniya ang Argentina, kasama ng Tsina, na palakasin ang kooperasyon sa ilalim ng BRI, at pahigpitin ang koordinasyon sa mga multilateral na suliranin.
Salin: Liu Kai