Buenos Aires, Argentina — Sa kanyang pakikipag-usap Sabado, Disyembre 1 (local time), 2018, kay Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sa kasalukuyan, matatag na umuunlad ang relasyong Sino-Pranses. Aniya, ang susunod na taon ay ika-55 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong Sino-Pranses, at nakahanda ang panig Tsino na magsikap kasama ng panig Pranses, para mapasulong pa ang komprehensibo't estratehikong partnership ng dalawang bansa upang matamo ng relasyong Sino-Europeo ang mas malaking pag-unlad.
Ipinahayag naman ni Macron na ang susunod na taon ay ika-55 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong Pranses-Sino, at dapat isagawa ng dalawang panig ang isang serye ng selebrasyon. Aniya, buong tatag na iginigiit ng Pransya ang multilateralismo, at nakahanda itong patuloy na panatilihin ang pakikipagkooperasyon sa panig Tsino sa mga mahalagang isyung pandaigdig, at pangalagaan ang multilateral na sistema ng malayang kalakalan.
Salin: Li Feng