Ayon sa ulat kahapon, Linggo, ika-2 ng Disyembre 2018, ng White House, sinabi ni Pangulong Donald Trump sa media na posible siyang muling makipagtagpo kay Kim Jong Un, Kataas-taasang Lider ng Hilagang Korea, sa Enero o Pebrero ng susunod na taon.
Sinabi rin ni Trump, na sa kasalukuyan, hindi pa naitatakda ang lugar na pagdarausan ng pagtatagpo, at pipili ang dalawang panig mula sa 3 posibleng lugar.
Dagdag ni Trump, lubos na matalik ang relasyon nila ni Kim, at sa hinaharap, aanyayahan niya si Kim na dumalaw sa Amerika.
Salin: Liu Kai