|
||||||||
|
||
Buenos Aires, Argentina--Ginawaran nitong Linggo, Disyembre 2, local time, ni Pangulong Mauricio Macri ng Argentina si dumadalaw na Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng Order of the Liberator General San Martin, pinakamataas na dekorasyon ng bansa.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng paggagawad sa panirahang pampangulo, ipinahayag ni Pangulong Macri ang mataas na papuri sa mabilis na pag-unlad ng Tsina sa pamumuno ni Pangulong Xi, relasyon ng Tsina't Argentina, at mahalagang ambag ng Tsina sa pangangalaga sa kapayapaan at kasaganaan ng daigdig.
Ipinahayag naman ni Xi na ikinararangal niya ang pagtanggap sa dekorasyon dahil sinisimbolo nito ang pambansang diwa ng pagsasarili ng mga mamamayan ng Argentina at tinataglay rin nito ang mataimtim na pagkakaibigan sa pagitan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Dagdag pa ni Xi, ang dekorasyon ay hindi lamang para sa kanya, kundi maging para sa lahat ng mga nagsikap para mapasulong ang pagkakaibigan ng Tsina't Argentina.
Ang dekorasyon, na pinangalanan sa pambansang bayani ng Argentina na si Jose de San Martin at iginagawad ng puno ng estado ng bansa, ay ang pinakamataas na karangalan sa mga dayuhan.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |