|
||||||||
|
||
Nitong nakalipas na isang taon sapul nang pormal na itatag ng Tsina at Panama ang relasyong diplomatiko noong 2017, makasaysayan ang mga pagbabago at pag-unlad na naganap sa relasyon ng dalawang bansa, bagay na nagpapakita ng pangkalahatang tunguhin ng daigdig.
Sa paanyaya ni Pangulong Juan Carlos Varela ng Panama, dumating Linggo, Nobyembre 2, local time, ng Panama City, kabisera ng Panama, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, para pasimulan ang kanyang dalaw-pang-estado sa bansang ito. Ito ang kauna-unahang pagdalaw ng pangulong Tsino sa Panama.
Ang Panama Canal ay tinatawag na isa sa 7 himala ng proyekto sa daigdig. Ang pag-uugnayan ng Tsina at Panama ay nagsimula dahil sa nasabing kanal. Noong nagdaang mahigit 160 taon, dumating ng Panama ang unang pangkat ng mga Tsino, para tulungan ang mga mamamayang lokal na itatag ang daambakal at kanal. Sa kasalukuyan, ang Tsina ay hindi lamang ika-2 pinakamalaking user ng Panama Canal, kundi ika-2 pinakamalaking bansang pinanggagalingan at bansang napupuntahan ng mga paninda.
Ngayon, magkasamang sinasalubong ng Tsina at Panama ang napakalaking pagkakataon ng pag-unlad. Mahigit isang taon na ang nakararaan, magkakasunod na pumasok sa Panama ang mga bahay-kalakal ng enerhiya, pinansya, telekomunikasyon, konstruksyon ng imprastruktura, at siyensiya't teknolohiya ng Tsina, at lumikha sila ng libu-libong pagkakataon ng hanap-buhay sa lokalidad. Sumali ang mga bahay-kalakal na Tsino sa proyekto ng pagpapalawak at pag-a-upgrade ng mga puwerto sa magkabilang pampang ng Kanal, para magbigay-tulong sa komprehensibong pagpapataas ng kakayahan sa takbo ng Panama Canal. Noong nagdaang Abril, naisaoperasyon ng Tsina ang direktang flight patungong Panama, bagay na nagkakaloob ng ginhawa para sa pagpapalitan ng kabuhaya't kalakalan at tauhan sa pagitan ng Tsina at Panama, maging ng rehiyon ng Gitnang Amerika.
Ang pag-a-upgrade ng relasyon ng Tsina at Panama ay lubos na nagpapatunay na kung sisirain ng dalawang bansa ang mga hadlang, at bubuksan ang pinto ng pag-unlad, batay sa paggagalangan, pagkakapantay-pantay at pagtitiwalaan, saka lamang sasalubungin nila ang mas masaganang kinabukasan na may mutuwal na kapakinabangan at win-win situation.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |