Dumating kahapon, Linggo, ika-2 ng Disyembre 2018, ng Panama City, kabisera ng Panama, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, para pasimulan ang dalaw-pang-estado sa bansang ito.
Sa paliparan, inihandog ni Pangulong Juan Carlos Varela ng Panama ang maringal na seremonya bilang panalubong kay Pangulong Xi.
Sinabi ni Xi, na nitong nakalipas na isa at kalahating taon, sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Panama, mabilis ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, at mabunga ang kanilang kooperasyon sa iba't ibang aspekto. Umaasa aniya siyang, sa pamamagitan ng pagdalaw na ito, gagawin ng dalawang bansa ang plano para sa pangmalayuang pag-unlad ng kanilang relasyon.
Salin: Liu Kai