Sa kanilang pagtatagpo kamakailan sa Buenos Aires, Argentina, sinang-ayunan nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Donald Trump ng Amerika, na pansamantalang itigil ang mga hakbangin na magpapalala ng alitang pangkalakalan ng dalawang bansa, at gagamitin ang susunod na 90 araw sa hinaharap, para marating ang kasunduan hinggil sa pagkansela sa mga karagdagang taripa na ipinataw sa isa't isa.
Ang pagsuspendi ng mga lider ng Tsina at Amerika sa kasalukuyang alitang pangkalakalan ng dalawang bansa ay matalino at paborableng desisyon para sa kapwa panig. Walang alinmang panig ang nakinabang sa digmaang pangkalakalan nitong mahigit 8 buwang nakalipas. Pinatawan ng karagdagang taripa ang mga panindang Tsino na iniluwas sa Amerika. Pero, lumaki pa rin ang depisit sa kalakalan ng paninda ng Amerika, at hindi rin naisakatuparan ang target ng panig Amerikano na hikayatin pabalik sa bansa ang mga trabaho at pamumuhunan. Sa isang panayam noong Oktubre 14 sa Columbia Broadcasting System, kahit sinabi ni Trump, na ang nagaganap sa pagitan ng Amerika at Tsina ay maliit na hidwaan, sa halip na digmaang pangkalakalan, at isinasaalang-alang niyang pahupain ang hidwaang ito.
Ang naturang 90 araw ay masusi para sa kapwa Tsina at Amerika. Kung mararating ng dalawang bansa ang kasunduan, ito ay magiging isang mahalagang bunga at mabuti ito sa lahat ng panig. Kung hindi, posibleng sumiklab ang bagong round ng digmaang pangkalakalan ng Tsina at Amerika, at magdudulot ito ng mas maraming elementong kawalang-katatagan sa kapwa bansa at daigdig.
Pero sa katotohanan, ang 90 araw ay hindi mahaba at medyo mahigpit para sa pagsasanggunian sa masalimuot na alitang pangkalakalan ng Tsina at Amerika. Sa harap ng mga kahirapan, buong sikap na makikipagtalastasan ang Tsina sa Amerika, batay sa pangkalahatang target sa pangangalaga sa komong interes ng kapwa bansa at kaayusan ng pandaigdig na kalakalan. Umaasa rin ang Tsina, na ipapakita naman ng Amerika ang parehong atityud, at isasagawa ng dalawang bansa ang pagsasanggunian, batay sa pagkakapantay-pantay, mutuwal na kapakinabangan, paggagalangan, at buong katapatan, para maayos na hawakan ang mga pagkakaiba, at malutas ang alitang pangkalakalan.
Salin: Liu Kai