Sa panahon ng United Nations (UN) Climate Change Conference sa Katowice, Poland, idinaos Martes, Disyembre 4, 2018 ni Pangkalahatang Kalihim António Guterres ng UN ang news briefing para ilahad ang misyon at target ng 2019 UN Climate Change Summit. Ipinagdiinan niyang ang pangunahing layunin ng pulong ay pagpapataas ng target ng pagbabawas sa emisyon, at pagpapabilis ng aksyon sa pagharap sa pagbabago ng klima sa taong 2020 at sa hinaharap.
Idaraos ang UN Climate Change Summit sa Setyembre ng 2019, sa panahon ng ika-74 na Pangkalahatang Asamblea ng UN. Nanawagan si Guterres sa lahat ng mga lider na dumalo sa nasabing summit, para hindi lamang ipaalam ang mga progreso sa pagpapatupad ng target ng pagbabawas sa emisyon na ipinangako nila sa Paris Agreement, kundi idispley rin ang plano at progreso nila sa pagpapataas ng kanilang pangako.
Salin: Vera