Binuksan kahapon, Linggo, ika-2 ng Disyembre 2018, sa Katowice, lunsod sa katimugan ng Poland, ang bagong round ng United Nations Climate Change Conference.
Kalahok sa pulong, na tatagal hanggang sa ika-14 ng buwang ito, ang mga kinatawan mula sa halos 200 bansa. Ang kanilang pangunahing tungukulin ay pagtatakda ng mga detalyadong regulasyon hinggil sa pagpapatupad ng 2015 Paris Climate Accord, para igarantiya ang pagsasakatuparan ng mga target sa kasunduan hinggil sa pagkontrol sa pagtaas ng temperatura sa buong mundo.
Salin: Liu Kai