Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga natamong bunga ng paglahok ng pangulong Tsino sa G20 Summit at pagdalaw sa Espanya, Argentina, Panama't Portugal

(GMT+08:00) 2018-12-06 11:51:41       CRI

Nagsagawa si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng dalaw-pang-estado sa Espanya, Argentina, Panama't Portugal at lumahok sa Ika-13 G20 Summit mula Nobyembre 27 hanggang Disyembre 5, 2018. Isinalaysay ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina sa mga mamamahayag ang hinggil sa mga natamong bunga ng katatapos na biyahe ni Xi.

Kahalagahan ng G20 Summit at relasyon ng mga pangunahing bansa

Sa kanyang paglahok sa iba't ibang aktibidad ng G20 Summit, iminungkahi ni Pangulong Xi ang pananangan sa multilateralismo, pagkakapantay-pantay, pagbubukas, partnership, inobasyon, at pagiging inklusibo para maisakatuparan ang komong kasaganaan.

Sa sidelines ng G20 Summit, kinatagpo ni Xi ang mga kalahok na lider ng iba't ibang kasaping bansa. Nagkasundo sina Xi at Pangulong Donald Trump ng Amerika na itigil ang pagpapataw ng karagdagang taripa ng dalawang bansa sa isa't isa. Kinausap din ni Xi sina Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, Punong Ministro Narendra Modi ng India, Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya, Pangulong Recep Tayyip Erdoğan ng Turkey, Chancellor Angela Merkel ng Alemanya, Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon, Prinsipe Heredero Mohammed bin Salman ng Saudi Arabia para mapalalim ang estratehikong pagtitiwalaan at pagtutulungan ng magkabilang panig. Sa pagtagpo nila ni António Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), ipinahayag ni Xi ang patuloy na pagkatig ng Tsina sa Karta ng UN at pagpapatingkad ng papel ng UN.

Relasyong Sino-Espanyol at relasyong Sino-Portuges, nagpapasigla sa relasyong Sino-Europeo

Ang pagdalaw ni Xi sa Espanya ay unang pagdalaw ng puno ng estado ng Tsina sa bansa nitong 13 taong nakalipas, at ang kanyang pagdalaw sa Portugal ay unang pagdalaw ng isang pangulong Tsino nitong walong taong nakaraan.

Dahil sa pagdalaw, pumasok na sa bagong yugto ng pag-unlad ang relasyon sa pagitan ng Tsina at nasabing dalawang bansa. Nakalikha rin ito ng bagong espasyo para sa mga pragmatikong pagtutulungan, at pagpapalitang pantao at pangkultura.

Sa kanyang pakikipag-usap sa mga lider ng Espanya at Portugal, ipinahayag din ni Xi ang palagiang pagkatig sa integrasyon ng Europa. Ang kasalukuyang taon ay ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Europa. Ang katatapos na pagdalaw ng pangulong Tsino sa nasabing dalawang bansang Europeo ay magpapasigla rin ng naturang partnership ng Tsina at Europa na nagtatampok sa kapayapaan, pag-unlad, reporma at sibilisasyon.

Pagdalaw sa Argentina't Panama, nagpatatag ng bilateral na relasyon at relasyon ng Tsina't Latin-America

Ang katatapos na pagdalaw ay ikalawang pagdalaw ni Pangulong Xi sa Argentina at unang pagdalaw sa Panama. Nagpasulong ang pagdalaw sa pagtitiwalaang pulitikal, pag-ugnay ng mga pambansang estratehiyang pangkaunlaran at mapagkaibigang pagtutulungan sa iba't ibang larangan ng Tsina at mga nabanggit na dalawang bansa. Nagpayaman din ito sa komprehensibong partnership na pangkooperasyon ng Tsina't Latin-America.

Pananangan ng Tsina sa mapayapang pag-unlad at pagbubukas sa labas, muling inilahad

Ngayong taon ay ika-40 anibersaryo ng pagsasagawa ng Tsina ng reporma't pagbubukas sa labas. Sa iba't ibang okasyon sa kanyang katatapos na biyahe, inulit ni Xi ang pananangan ng Tsina sa mapayapang pag-unlad at ibayo pang pagbubukas sa labas, at mga pagkakataong dulot ng mga ito sa buong daigdig.

Ang paglahok ng unang ginang ng Tsina na si Peng Liyuan sa iba't ibang aktibidad na pangkultura at pangkawanggawa ay nagpalalim din ng pagkakaibigan at pag-uunawaan ng mga mamamayang Tsino at mga bansang dayuhan.

Salin: Jade
Pulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>