|
||||||||
|
||
Lisbon—Nagtagpo Miyerkules, Disyembre 5, 2018, local time, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Antonio Costa ng Portugal.
Tinukoy ni Xi na pumapasok sa pinakamagandang panahon sa kasaysayan ang relasyong Sino-Portuguese, at nahaharap ito sa bagong pagkakataong pangkaunlaran. Nakahanda aniya ang panig Tsino na magsikap, kasama ng panig Portuguese, para mapasulong ang walang humpay na pagtaas ng komprehensibo't estratehikong partnership ng dalawang bansa sa bagong antas.
Ipinagdiinan din ni Xi na sa susunod na yugto, dapat palakasin ng kapuwa panig ang pag-uugnayan sa mataas na antas at pagpapalitan sa iba't ibang antas at larangan, at magkakapit-bisig na pasulungin ang pagtamo ng magkasamang pagtatatag ng dalawang bansa ng Belt and Road ng mas maraming pragmatikong bunga.
Ipinahayag naman ni Costa na naninindigan ang Portugal sa pagbubukas, pagtutulungan at malayang kalakalan, at nakahandang aktibong sumali sa konstruksyon ng Belt and Road, dahil ang nasabing inisyatiba ay makakatulong sa pagpapahigpit ng pagkakaibigan at pagtutulungan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, at pagpapasulong sa bilateral na kalakalan at pamumuhunan.
Pagkatapos ng pagtatagpo, magkasamang sumaksi ang dalawang lider sa paglagda ng maraming dokumento ng bilateral na kooperasyon na gaya ng memorandum of understanding ng dalawang pamahalaan hinggil sa magkasamang pagpapasulong sa konstruksyon ng Belt and Road.
Sa preskon pagkatapos ng pagtatagpo, binigyang-diin ni Xi na mabungang mabunga at kasiya-siya ang kasalukuyang biyahe niya sa Portugal, at ito ay nakapagpatingkad ng bagong lakas-panulak para sa pag-unlad ng komprehensibo't estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |