Ayon sa datos ng Adwana ng Tsina, noong 2017, umabot sa 28 trilyong yuan RMB o 4 na trilyong dolyares ang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng bansa, samantala, hanggang kalagitnaan nitong nagdaang Nobyembre, ang halaga ng kalakalang panlabas ng bansa ng taong 2018 ay lumampas na sa kabuuang halaga ng taong 2017. Mas mataas ito ng 15% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2017.
Ipinahayag nitong Huwebes, Disyembre 6, ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na kabilang sa mga pangunahing dahilan ng pagtaas ng kalakalang panlabas ng bansa ay ang panunumbalik ng pangangailangang pandaigdig, at ang paglaki ng pag-aangkat ng Tsina na dulot ng matatag at may kabilisang pag-unlad ng kabuhayan ng bansa.
Tungkol naman sa tunguhin ng pag-unlad ng kalakalang panlabas ng Tsina, sinabi ni Gao na bibilis ang dekalidad na pag-unlad ng kalakalang panlabas ng bansa at ibayo pang lalaki ang pag-aangkat ng Tsina.
Salin: Jade
Pulido: Mac