|
||||||||
|
||
Inilunsad ngayong madaling araw ng Tsina ang Chang'e-4 lunar probe. Inaasahan itong magsasagawa ng kauna-unahang "soft landing" ng sangkatauhan sa "far side" ng buwan at magbubukas ng bagong kabanata sa paggagaludad sa buwan.
Alas 2:23 ngayong madaling araw, napaimbulog ang nasabing probe na may isang lander at isang rover, sa pamamagitan ng Long March-3B rocket, sa Xichang Satellite Launch Center, lalawigang Sichuan sa dakong timog-kanluran ng Tsina.
Ayon sa China National Space Administration (CNSA), kabilang sa mga tungkuling siyentipiko ng Chang'e-4 ay low-frequency radio astronomical observation, pagdedetekta sa pagbuo ng mga mineral at estruktura sa mababaw na bahagi o shallow surface ng buwan, at pag-aaral sa kapaligiran ng "far side" ng buwan sa pamamagitan ng pagsusuri sa neutron radiation at neutral atoms.
Upang mapasulong ang pakikipagtulungang pandaigdig sa programa ng paggagalugad sa buwan, sa mga misyon ng Chang'e 4, nagsagawa na ang Tsina ng apat na scientific payloads na idinebelop ng mga siyentista mula sa Netherlands, Alemanya, Sweden at Saudi Arabia.
Ang programa ng Chang'e-4 na sinimulan noong Enero ng 2016 ay binubuo ng dalawang pangunahing misyon ng paglulunsad ng relay satellite at lunar probe. Nitong nagdaang Mayo 21, inilunsad ng Tsina ang relay satellite na tinaguriang Queqiao o Magpie Bridge sa nakatakdang orbita at maayos ang kalagayan nito ngayon.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |