Pangkagipitang ipinatawag nitong Linggo, Disyembre 9 ni Le Yucheng, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina ang embahador ng Amerika sa Tsina na si Terry Branstad. Ipinahayag ni Le kay Branstad ang solemnang representasyon at matinding protesta laban sa pagdedetine ng Kanada sa isang mataas na tagapagpaganap ng Huawei Technologies Co., Ltd., telecommunication giant ng Tsina, alinsunod sa di-makatwirang utos ng Estados Unidos.
Sa isang pahayag, sinabi ni Le na ang ginawa ng Amerika ay labag sa mga lehitimong karapatan at interes ng nasabing mamamayang Tsino. Hiniling niya sa Amerika na iwasto kaagad ang nasabing mali't baluktot na aksyon.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
File photo: CGTN