Ipinahayag ng panig Tsino na nananatiling mahigpit at maalwan ang komunikasyon ng Tsina't Amerika hinggil sa mga detalye ng talastasang pangkalakalan, bilang pagpapatupad sa napagkasunduan nina Pangulong Xi Jinping at Pangulong Donald Trump sa working dinner pagkaraan ng G20 Summit sa Argentina, nitong Disyembre 2, local time. Sumang-ayon ang dalawang pangulo na sa loob ng darating na 90 araw kanselahin ang lahat ng mga karagdagang ipinataw na taripa sa isa't isa.
Sa regular na preskon nitong Huwebes, Disyembre 13, ipinahayag ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina ang mainit na pagtanggap sa pagpunta sa bansa ng delegasyong Amerikano para sa talastasan, at bukas din ang Tsina sa pagpunta sa Amerika.
Salaysay ni Gao, nitong Martes, nakipag-usap sa telepono si Liu He, Pangalawang Premyer at Punong Koordinador sa talastasan ng Tsina sa panig Amerikano. Nagpalitan ang magkabilang panig hinggil sa timetable at roadmap ng talastasan.
Dagdag ni Gao, nagkasundo ang Tsina't Amerika hinggil sa kalakalan ng produktong agrikultural, enerhiya at sasakyang de-motor. Isasapubliko aniya ang mga detalye at resulta hinggil sa talastasan.
Salin: Jade
Pulido: Mac