Ipinahayag dito sa Beijing Biyernes, Disyembre 14, 2018 ni Mao Shengyong, Tagapagsalita ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, na nananatiling matatag sa kabuuan at may tunguhin ng pagbilis ang takbo ng kabuhayang Tsino noong Nobyembre. Aniya, walang duda, maisasakatuparan ang target ng humigit-kumulang 6.5% paglago ng kabuhayan sa buong taon ng 2018.
Dagdag pa ni Mao, sa kalagayan ng pagiging mahina ng lakas-panulak ng paglago ng kabuhayang pandaigdig, matatag ang mga pangunahing indeks ng kabuhayan ng Tsina na gaya ng paglaki ng kabuhayan, hanap-buhay at presyo ng mga paninda, at nananatili sa magkatwirang lebel ang takbo ng kabuhayan.
Tinaya ni Mao na sa susunod na taon, may kondisyong mapapanatili ng konsumo at pagluluwas ng Tsina ang matatag at may kabilisang paglaki, at may pag-asa ring mananatiling matatag sa kabuuan, maging may konting pagtaas, ang pamumuhunan.
Salin: Vera