Ipinahayag kamakailan ni Maurice Obstfeld, punong ekonomista ng International Monetary Fund (IMF), na ang ibayo pang pagbubukas ng Tsina sa labas ay nakakatulong sa paglaki ng kabuhayan nito.
Sinabi ni Obstfeld na ang reporma at pagbubukas sa labas na isinagawa ng Tsina noong katapusan ng dekada 70, ay nagdudulot ng "napakalaking positibong impluwensiya" sa Tsina. Ito aniya ay nakapaghahatid din ng napakalaking benepisyo sa mga bagong-sibol na ekonomiya sa Silangang Asya at iba pa.
Dagdag pa niya, malaki pa rin ang espasyo ng Tsina sa pagpapasulong ng ibayo pang pagbubukas upang mapatingkad ng pamilihan ang mas malaking papel nito sa kabuhayan. Ito ay hindi lamang nagpapalaki, kundi nagpapatatag din sa kabuhayang Tsino, aniya pa.
Salin: Li Feng